Bakit mahirap at masakit magmahal?–ito ang aking opinyon

Mahirap nga bang magmahaL????..para sa akin hindi…ang pagmamahal ay nanggagaling sa kaibuturan ng iyong pagkatao..hindi kailanman dapat turuan kung sino ang dapat mahalin..ito ay nararamdaman lamang at nababawasan sa takdang panahon, ngunit sa maraming kadahilanan…bakit maraming tao ang nasasaktan kung inyong tatanungin…sa aking palagay, hindi ang dahilang nagmamahal tayo ang rason kung bakit tayo nasasaktan..ito ay ang mga ispekulasyon at mga inaasam natin sa taong mahal natin…tayo and may hawak ng buhay natin..walang ibang pwedeng pagbuntunan ng galit kung hindi tayo lamang…walang maaaring manakit ng ating pagkatao kung hindi natin iyon pinayagan sa simula pa lamang…walang mali sa pagmahal..kailangan lamang natin itong timbangin at ilagay sa tamang lugar..ang kakayahang magmahal ay biyaya ng Diyos at dahil sa pagmamahal tayo ay nabubuhay at nagiging masaya..kapag nagmahal ka at nasaktan ka..matuwa ka dahil naramdaman mong magmahal…ang sakit ay bahagi ng buhay..kung hindi ka nasaktan hindi mo malalamang may kakayahan kang magmahal..kung ayaw mong masaktan baguhin mo ang pananaw mo huwag mong isumpa ang pagmamahal…dahil bilang tao hindi ka mabubuhay ng walang pagmamahal sa katawan..ikaw lang ang kawawa sa huli..’wag tayong matakot..harapin ang katotohan at maging masaya!!!!!(-_-)

Bookmark and Share

Leave a Reply